Kapuri-puri ang naging desisyon ng PSE at mga taong nagsabi ng katotohanan sa tunay na sitwasyon ng Nenaco. Dahil alam na ng publiko ang kalagayan ngayon ng nasabing kumpanya kung kaya maiiwasan na ang mas malaki pang problema hindi lamang sa mga pinagkakautangan nito at mga pasahero," ani Ramirez.
Nagtataka si Ramirez kung bakit nagpalabas ang Nenaco noong unang linggo nitong Marso na kumita ang kanilang kumpanya ng P84 milyon habang P102 milyon naman noong 2002 gayung lubog naman umano ito sa utang na umaabot sa P2.5 bilyon.
Hinihinala ni Ramirez na may ibang motibo at agenda ang Nenaco kaya nagpahayag ito na sila ay kumikita sa kabila ng katotohanan na bagsak na umano ang nasabing kumpanya. (Ulat ni Ellen Fernando)