Sa pagkamatay ng 4-anyos: Rules of Engagement sa Navotas shootout pinarerebisa ni PGMA
April 3, 2004 | 12:00am
Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Philippine National Police (PNP) at National Anti-Kidnapping Task Force na repasuhing mabuti ang ipinatutupad nilang rules of engagement para maiwasang maulit ang insidenteng naganap sa Navotas na nakadamay ng isang 4-anyos na bata sa naganap na shootout na ikinasawi ng apat na hinihinalang mga kidnaper.
Ikinalungkot ng Pangulo ang pagkamatay ni Jennifer Gallano na tinamaan ng ligaw na bala habang ito ay nasa loob ng kanilang bahay sa Road 10, Navotas.
"I acknowledge the accomplishments of the NAKTAF and the PNP in the relentless campaign against kidnappers, but I am saddened by the fact that a four-year-old girls life was needlessly sacrificed in this latest incident," anang Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na responsibilidad ng gobyerno ang naganap na insidente at handang pagkalooban ng tulong ang mga inosenteng sibilyan na nasugatan sa naganap na insidente.
Bagaman anya maganda ang hangarin ng NAKTAF sa patuloy na pagpupursige nila sa kampanya laban sa kidnap-for-ransom gang, ang mga pagkakamali sa implementasyon ng police operation ay hindi naman puwedeng pabayaan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am