John O. kinasuhan ng rape ng call boy

Kinasuhan ng rape ng isang call boy si K4 reelectionist Sen. John Osmeña. Sa salaysay ng naturang biktima na kinilalang si Diego Gomez, naganap ang umano’y panggagahasa sa kanya ng senador noong Peb. 5, 2004 sa Tagaytay. Nabatid na pinainom umano siya ng senador ng Scotch at siya’y nahilo. Paggising anya niya ay nakaposas na siya sa kama at dito pumasok si Osmeña at ginahasa umano siya. Matapos ito ay binigyan umano siya ng senador ng P15,000 bilang kabayaran. Sa panig naman ni Osmeña, sinabi nitong harassment lamang ang naturang akusasyon dahil nalalapit na ang eleksiyon. Hindi rin anya niya kilala ang call boy. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments