Senatoriable ng KNP nabalian sa kampanya

KALIBO, Aklan - Nabalian ng braso kahapon si KNP senatorial candidate Salvador "Sonny" Escudero matapos aksidenteng madulas ito pagkagaling sa press conference sa Sampaguita Hotel para magtugo sana sa campaign sortie sa Roxas City sa Capiz.

Isinugod sa Aklan provincial hospital si Escudero matapos mabali ang kanang braso nito nang madulas at maitukod nito habang papalabas sa lobby ng hotel bandang alas-2 ng hapon.

Dinala din agad si Escudero sa Maynila sa pamamagitan ng airlift mula sa Aklan upang doon gamutin ang nabali nitong braso sa National Orthopedic Hospital kung saan ang mismong anak ni Senate President Pro-Tempore Juan Flavier ang gagamot dito. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments