^

Bansa

23 pulis kandidato sa local elections

-
Umaabot sa kabuuang 23 pulis ang pumasok na rin sa mundo ng pulitika matapos na tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa local level kaugnay ng nalalapit na halalan sa bansa sa darating na Mayo 10.

Pero nilinaw ni P/Director Jose Lalisan, Directorate for Personnel Records and Management ng PNP na sandaling magsumite ng certificate of candidacy ang isang pulis para tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno ay kinokonsidera nang nagsipagbitiw sa tungkulin ang mga kandidatong pulis. Gayunman, ipinaliwanag naman ni Lalisan na makakatanggap pa rin ang mga ito ng mga benepisyo sa PNP.

Nabatid pa na sa kabuuang 23 kandidatong pulis ay si P/Chief Supt. Romeo Maganto ang may pinakamataas na ranggo, subalit iniatras na nito ang kanyang kandidatura.

"I don’t have any information on where or what position he was running but there’s also a certain PO1 that is also running for mayor this election," ani Lalisan.

Sa kabila nito, umaasa naman si Lalisan na magiging matagumpay ang nasabing mga pulis sa ‘political arena.’ (Ulat ni Joy Cantos)

CHIEF SUPT

DIRECTOR JOSE LALISAN

GAYUNMAN

JOY CANTOS

LALISAN

NABATID

PERO

PERSONNEL RECORDS AND MANAGEMENT

ROMEO MAGANTO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with