Plunder vs Fresnedi isinampa

Sinampahan kahapon ng kasong plunder si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y illegal na paggamit ng may P2.04 bilyong pondo ng lokal na pamahalaan para sa edukasyon at benepisyo ng mga guro at empleyado noong 2001 at 2002.

Ang nagsampa ng kaso ay si Rafael Arciaga, isang pribadong mamamayan at dating konsehal ng Muntinlupa.

Ibinase ni Arciaga ang kaso sa resulta ng imbestigasyong isinagawa ng Commission on Audit (COA) noong taong 2001 at 2002 sa pagwaldas ng salapi ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa.

Inakusahan ni Arciaga si Fresnedi at mga opisyal nito ng ‘conspiracy’ upang magamit ang P2,046,896,094.35 pondo ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Arciaga na base sa imbestigasyon ng COA noong 2001, sa kabuuang pondo ng Special Education Fund (SEF) na P139.67 milyon, 74.52% nito o P104.09 milyon ay ginamit ni Fresnedi para sa suweldo at allowance ng mga empleyado.

Sinabi ng COA na ito ay labag sa Section 272 ng Republic Act 7160 ukol sa paggamit ng SEF na nagsasaad na maari lamang gamitin ang pondo ng SEF para sa pagtatayo at pagkukumpuni ng mga silid-aralan, operasyon ng mga pampublikong paaralan, educational research, pagbili ng mga libro para sa mga mag-aaral at sports development.

Bukod dito, sinabi ng COA na nabigo rin si Fresnedi na magkaroon ng kumpletong imbentaryo ng mga properties at equipment ng pamahalaang lungsod noong 2002 na umaabot ng P1.38 bilyon. Hindi rin aniya na-remit noong 2002 ang mga kontribusyon ng mga empleyado at mga guro sa lungsod sa GSIS, PAGIBIG, BIR at PhilHealth. (Ulat ni Ellen

Show comments