Hiniling ni Sen. Osmeña sa Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) na ipatupad ang batas.
Wika ng senador, matagal na rin silang hindi nag-uusap ni Vice Gov. Osmeña dahil sa kabila ng kanyang pagtangging tumakbong gobernador ang anak sa darating na eleksiyon ay tumuloy pa rin ito.
Mariin namang itinanggi ng batang Osmeña ang alegasyong tinangka niyang arborin sa Customs ang 60 drum ng pseudoephedrine na nakumpiska sa M/V Intra Blum na dumaong kamakailan sa Cebu International Port. (Ulat ni Rudy Andal)