'Scratch and match' inireklamo
March 17, 2004 | 12:00am
Patung-patong na reklamo ang kinakaharap ng isang electronics company sa Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa kanilang umanoy modus-operandi na scratch and match promotion.
Inireklamo ang AOWA Electronic Philippines Inc. na may tanggapan sa #9 Brixton St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City ng isang Arnel Sy sa tanggapan ni DTI Asst. Dir. James Lazaro L. Olmos ng Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection.
Ayon kay Sy, nilapitan umano siya ng ilang sales representatives ng AOWA habang siya ay nasa loob ng Pioneer Center supermarket at pinilit na lumahok sa "scratch and match" promo kung saan siya daw ang mapalad na nanalo. Gayunman, sinabihan siya ng manager na para makuha ang napanalunang produkto ay kailangang bumili muna siya ng isa pang produkto ng AOWA. Matapos na mapili ni Sy ang isang Diamond Water Life binigyan pa siya ng bio-mineral pot, vacuum cleaner, health massager at iba pang produkto na ayon sa manager ay libre kasama ang kanyang napanalunan. Laking gulat ni Sy nang umabot sa P28,000 ang lahat ng kanyang binayaran. Nang mag-canvass ang biktima sa ibang outlet, nabatid ng biktima na naloko siya ng AOWA at lahat ng produkto na ibinigay na libre ay kasama sa halagang binayaran nito. Tinangkang isoli ng biktima ang mga produkto subalit tumanggi ang kumpanya. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended