^

Bansa

Dialogue sa pelikula pinagagamit kay FPJ

-
Nangangamba ang ilang mambabatas na hindi lubusang naiintindihan ni Fernando Poe, Jr. ang ilang termino sa kanyang plataporma de gobyerno kaya iminungkahi nilang gumamit na lamang ito ng mga dayalogo sa pelikula.

Ayon sa ilang solons, malabo ang ilang terminong ginamit ni FPJ sa kanyang plataporma katulad ng "economic diplomacy", "invigorated role" sa paglaban ng terorismo at "depoliticized environment’ para sa energy sector.

Ayon kina Reps. Robert "Ace" Barbers at Oscar Rodriguez, dapat na linawin ni FPJ ang kanyang plataporma dahil marami na ang naguguluhan sa nilalaman nito.

Sinabi pa ng mga solon na dapat gawing simple ng mga taong nasa likod ng paggawa ng plataporma ang salitang ginamit upang hindi naman mahirapan si FPJ. Mas madali anilang masasabi ni Da King ang ‘hindi na sisikatan ng araw ang terorismo" at "kapag puno na ang salop ng pamumulitika, dapat ng kalusin ito."

Sinabi ni Barbers na matagal naghintay ang mga supporters ni FPJ para sa paglalabas niya ng plataporma kaya dapat lamang na maintindihan ito at maipaliwanag ng mabuti. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

DA KING

FERNANDO POE

MALOU RONGALERIOS

NANGANGAMBA

OSCAR RODRIGUEZ

PLATAPORMA

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with