^

Bansa

BIR official suspindido sa dami ng ari-arian

-
Dahil sa hindi maipaliwanag na P8.4 million assets, lumagapak sa lifestyle check si Bureau of Internal Revenue (BIR) assistant Commissioner Edwin Abella kaya sinuspinde siya kahapon ng Ombudsman sa loob ng anim na buwan ng walang suweldo.

Ipinag-utos na ni Ombudsman Simeon Marcelo sa BIR na ipatupad ang suspensiyon kay Abella upang hindi maapektuhan ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa mga kasong dishonesty at falsification of public documents.

Ayon kay Department of Finance (DoF) officer V Leon Acuna, hindi tugma sa sahod ni Abella na P322,618.68 kada taon ang kanyang kasalukuyang assets.

Sa imbestigasyon ng DoF, mula P3.8 milyong assets noong 1999, naging P8.4M ang kayamanan ni Abella noong 2002. Kabilang sa mga assets ni Abella ang P10 milyon residential property sa Xavierville subdivision sa Quezon City at anim pang real estate assets sa Novaliches, QC.

Sa records, ang bahay sa Xavierville ay binili ng P10 milyon ng GAR ventures na mayroon lamang paid up capital na P100,000.

Sinabi ni Acuna na ginamit lamang ni Abella ang GAR ventures sa pagbili ng kanyang ari-arian upang hindi ito mabuko.

Ginamit din umanong alibi ni Abella ang pagtama ng dalawang beses sa lotto kaya siya biglang yumaman. (Malou Rongalerios)

ABELLA

ACUNA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER EDWIN ABELLA

DEPARTMENT OF FINANCE

MALOU RONGALERIOS

OMBUDSMAN SIMEON MARCELO

QUEZON CITY

V LEON ACUNA

XAVIERVILLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with