Sa statement na ipinadala sa Senado, iginiit ni Bagong Lahi national director Andrew Gonzales na handa silang humarap sa anumang imbestigasyong gagawin ng Senado kaugnay ng mga reklamo ng pangingikil na naglalabasan laban kay de Castro.
Ipinaliwanag pa ni Gonzales na ang ibinigay na pahayag ni Presidential Spokesman Mike Defensor na may P6 million demolition campaign laban kay de Castro ay maituturing na "smokescreen" dahil hindi naman nila naipaliwanag sa publiko kung sablay ang bintang ng Bagong Lahi.
"I see this claim of Defensor as nothing but a smokescreen - a squid tactic in line with the thinking that the best defense for Mr. de Castro is to go on the offense," aniya.
Iginiit naman ng grupo na mag-inhibit umano si Senador Francis Pangilinan sa pag-imbestiga sa isyung ito dahil hindi pa man nag-uumpisa ang imbestigasyon ay ipinakita na agad nito ang kanyang kulay nang depensahan si de Castro na diumanoy politically motivated ang isyung ito.
Kamakailan ay naglabas ng affidavit of complaint ang mga opisyal ng Bagong Lahi kaugnay ng anilay paninira ni de Castro sa kanila sa episode ng programa niyang Magandang Gabi Bayan noong Peb. 2, 2002. Itoy matapos hindi magbigay ang Bagong Lahi ng P3.5 million sa isang emisaryo ng brodkaster. (Ulat ni Rudy Andal)