^

Bansa

Graft vs Noli isasampa sa Ombudsman

-
Hinikayat kahapon ng Bagong Lahing Pilipino Development Foundation ang lahat ng iba pang mga nabiktima ng "pangongotong’’ ni vice presidential candidate Sen. Noli "Kabayan" de Castro na lumantad na upang mabigyan sila ng hustisya.

Nabatid kay Andrew Gonzales, national director ng nasabing foundation, sasampahan ng Bagong Lahi Foundation ng graft charges si de Castro kaugnay ng anila ay paghingi ng senador sa kanila ng P3.5 million noong taong 2002 bilang umano’y membership fee nila sa Kabayan Foundation.

Tinanggihan ng Bagong Lahi, na noon ay kilala pa sa pangalan na East Pacific AAA Foundation, ang panggigipit ng mga tauhan ni de Castro gamit ang kanyang programa sa telebisyon na, Magandang Gabi Bayan, noong Pebrero 2002.

Ayon kay Gonzales, laking gulat na lang nila nang banatan sila ni de Castro gamit ang kanyang programang MGB.

Idinagdag pa niyang sa MGB ay pinalutang ni de Castro ang isang testigo laban sa East Pacific na kanilang napag-alaman na may kaso ng panggagahasa sa sariling anak at mga asunto ng estafa.

Dahil sa kahihiyang inabot sa ‘’paninira’’ sa kanilang organisasyon, napilitan si Gonzales at iba pang opisyal nito na palitan ang kanilang pangalan mula sa East Pacific sa Ang Bagong Lahi.

Nagkalakas ng loob ang grupo na isambulat sa publiko ang "pangongotong" sa kanila ni Kabayan ng mabasa nila sa internet na marami rin palang ibang biktima ang VP candidate.

Nakasaad sa internet website na hinihingan niya ng P 300,000 pataas ang bawat nais niyang banatan o protektahan gamit ang programa niyang MGB. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANDREW GONZALES

ANG BAGONG LAHI

BAGONG LAHI

BAGONG LAHI FOUNDATION

BAGONG LAHING PILIPINO DEVELOPMENT FOUNDATION

EAST PACIFIC

GONZALES

KABAYAN

KABAYAN FOUNDATION

MAGANDANG GABI BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with