^

Bansa

20 opisyal ng DPWH at 10 pa kinasuhan ng P134-M plunder

-
Nahaharap sa P134 milyong kasong plunder sa Sandiganbayan ang nasa 20 opisyal ng Department of Public Works and Highways (DWPH) at 10 pribadong indibidwal na sinampahan ng kaso kahapon matapos na magsabwatan ang mga ito sa pagpapaayos ng mga sasakyan ng gobyerno.

Kabilang sa mga kinasuhang opisyal sina Motorpool section chief Maximo Borje, Jr.; Administrative and Manpower Management Services director Burt Favorito; assistant director Florendo Arias, Erdito Quarto, Agerico Palaypay, Napoleon Anas, Danilo Planta, Luisito dela Rosa, Rogelio Beray, Norma Villarmino, Ricardo Juan, Jr., Nelson Umali, Maria Luisa Cruz, Melissa Espina, Violeta Tadeo, Jessica Catibayan, Violeta Amar, Robaldo Simbahan, Felipe San Jose at Rolando Castillo.

Ang mga pribadong indibidwal naman na karamihan ay mga suppliers ng repair at spare parts ng mga sirang sasakyan ay sina Conchita dela Cruz, Janette Bugayong, Jesus Capuz, Rodelia Uy, Romeo Fullido, Nonette Fullido, Victoria Go, Carmelito Edem, Agusto Capuz at Vicente Santos Jr.

Sa isang nilagdaang supplemental resolution, sinabi ni Ombudsman Simeon Marcelo na nakipagsabwatan si Borje at ang iba pang opisyal ng DPWH sa mga pribadong suppliers at ginamit nila sa maling paraan ang pondo ng gobyerno. Wala aniyang katotohanan ang sinasabing pagpapaayos ng mga sasakyan ng DPWH at ginamit ang pondo sa personal na dahilan.

Nangyari umano ang hindi tamang paggamit ng pondo sa pagitan ng Marso hanggang Disyembre 2001 kung saan sinasabing ipinaayos ang nasa 521 sasakyan ng DPWH.

Sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio na umabot sa P82.321 milyon ang napunta kay Borje sa pamamagitan ng 4,406 ‘false transactions’. Kung kukuwentahin aniya, mas mabuti pang bumili na lamang ng bagong sasakyan ang DPWH tuwing ikalawang araw kaysa ipinaayos ang mga sirang sasakyan ng ahensiya.

Ipapakita ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang nasa 9,000 vouchers at delivery receipts na magpapatunay sa kanilang natuklasang anomalya.

Idinagdag ni Villaignacio na ipiprisinta nila sa korte ang tatlong testigo na magpapaliwanag kung paano ginawa ng mga opisyal ang panloloko. Ang tatlong testigo ay naging bahagi ng modus operandi ng grupo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ADMINISTRATIVE AND MANPOWER MANAGEMENT SERVICES

AGERICO PALAYPAY

AGUSTO CAPUZ

BORJE

BURT FAVORITO

CARMELITO EDEM

DANILO PLANTA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ERDITO QUARTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with