^

Bansa

Reyes,Corpus lusot sa Davao bombings

-
Absuwelto sina National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) Chief Angelo Reyes at ISAFP Chief Gen. Victor Corpus sa Sasa wharf at Davao International Airport bombings sa Davao City noong taong 2003.

Ito ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng Maniwang Commission na inatasan ng Malacañang na magsiyasat sa akusasyon ng Magdalo Group, ang grupong naglunsad ng Oakwood mutiny sa Makati City.

Sa report, sinabi ng komisyon na fake ang Oplan Greenbase na binasehan ng Magdalo sa kanilang alegasyon.

Maging ang AFP at MILF ay nilinis din ng Maniwang Commission sa serye ng pambobomba sa Davao.

Pero pinagsabihan nito ang defense officials dahil hindi ginawan ng kaukulang hakbang at atensiyon ang pagkalat ng fake documents ukol sa Oplan Greenbase.

Maging ang pag-aresto sa ilang hinihinalang MILF members ay kinuwestiyon din ng komisyon.

Samantala, wala namang natukoy ang komisyon kung sino ang tunay na salarin sa Davao bombings. (Ulat nina Ely Saludar/Lilia Tolentino)

CHIEF ANGELO REYES

CHIEF GEN

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

ELY SALUDAR

LILIA TOLENTINO

MAGDALO GROUP

MANIWANG COMMISSION

OPLAN GREENBASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with