^

Bansa

QC no.1-COA report: Munti kulelat sa kita

-
Inakusahan ng mga mamamayan ng Muntinlupa na palpak ang pamamahala ng kanilang Mayor Jaime Fresnedi dahil sa ipinalabas na report ng Commission on Audit (COA) na isa ito sa may pinakamasamang record ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila habang ang pamamahala ni Quezon City Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte ang nagtala ng may pinakamataas na income.

Sa panghuling ulat ng COA ukol sa financial performance para sa taong 2002, nangulelat ang Muntinlupa ng makapagtala lamang ito ng net income na P54.59 milyon. Ang Muntinlupa at Parañaque ang nahuli sa lahat ng mga lungsod sa kalakhang Maynila.

Naungusan pa ng maliit na bayan ng San Juan at Taguig ang Muntinlupa na isang lungsod ng makapagpatala ang dalawang bayan ng net income na P74 milyon at P68.68 milyon (ayon sa pagkakasunod).

Ang limang nangungunang local government unit na may pinakamataas na kinita ay ang QC, Makati, Pasig, Manila at Las Piñas.

Dahil sa umano’y paglustay ng sobrang pera para sa pagpapasuweldo ng mga empleyado at bayad sa mga utang, renta at kuryente, ang Muntinlupa ang isa sa may pinakamataas na porsiyento ng mga gastusin kumpara sa kinita nito.

Sa pamamahala ni Fresnedi, nakapagtapon ang pamahalaang lungsod ng P485.39 milyon o 60 porsiyento ng kinita nito para lamang sa pasuweldo ng mga empeyado ng lungsod, ayon sa COA report.

Sa kinita ng Las Piñas City na P840.84 milyon noong 2002 na di nagkakalayo sa income ng Muntinlupa ay nakagastos lamang ng P185 milyon o 18.8 percent ng kita nito para sa sahod ng mga empleyado.

Maliit ang inilaan ng Las Piñas para sa pasuweldo sa kabila na ito ay may 472,780 populasyon, mas malaki sa Muntinlupa na may populasyon lamang na 379,310. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANG MUNTINLUPA

BELMONTE

ELLEN FERNANDO

LAS PI

MAYOR JAIME FRESNEDI

METRO MANILA

MUNTINLUPA

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with