FPJ Pinoy - SC
March 4, 2004 | 12:00am
Isang natural-born Filipino citizen si action king Fernando Poe, Jr. kaya may karapatan siyang tumakbo sa pagka-pangulo sa nalalapit na halalan.
Ito ang naging pasya kahapon ng Korte Suprema sa botong 8-5-1.
Batay sa 53-pahinang desisyon ng SC en banc sa panulat ni Associate Justice Jose Vitug, dinismis ng SC ang disqualification case ni Da King at sinabing walang nakitang pag-abuso sa tungkulin ang Comelec at tama lamang ang desisyon nito na ideklarang natural-born Filipino si FPJ.
Pinagbasehan ng SC ang naging rekomendasyon ng apat na amicus curiae (friends of court) na nagbibigay ng pabor sa aktor alinsunod sa nakasaad sa 1935 Constitution.
Bukod kay Vitug, kasama rin sa mga nagpalabas ng hatol pabor sa pagbasura ng petisyon na kumukuwestiyon sa citizenship ni FPJ sina Chief Justice Hilario Davide, Jr.; Associate Justices Reynato Puno, Consuelo Ynares-Santiago, Angelina Sandoval-Gutierrez, Alicia Austria-Martinez, Romeo Callejo at Adolf Azcuna. Sumama pa rin sa botohan si Puno sa kabila ng ulat na siya ay nasa Singapore.
Ipinaliwanag naman ni Davide sa kanyang concurring opinion na wala siyang nakitang pagkakaiba sa isang legitimate at illegitimate child at sapat na ang pagkilala ng kanyang ama tulad ng kaso ni FPJ.
Ang mga tumututol naman ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Dante Tinga, Renato Corona, Leonardo Quisumbing at ang dating ponente sa kaso ni FPJ na si Conchita Carpio-Moralles. Hindi naman sumama sa botohan si Justice Artemio Panganiban dahil siya ay nasa South America.
Binigyang diin ng SC na sapat na ang birth certificate at marriage certificate na iprinisinta sa Korte ng abugado ni FPJ na si Atty. Estelito Mendoza para tuluyang hawakan ang naturang kaso.
Samantala, sinabi naman ng mga petitioner sa citizenship ng aktor na handa nilang kuwestiyunin sa Mataas na Hukuman ang naging hatol nito sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration.
Ayon kay Atty. Maria Jeanette Tecson, ilalaban pa rin nila ang kaso dahil hndi anya dapat payagan na maupo sa pinakamataas na posisyon ng bansa ang isang tao na nakakaduda ang pagkamamamayan. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest