Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na marami namang taga-suporta ang Pangulo kaya hindi makakaapekto ang ulat na paglipat ni Villar sa kampo ni Lacson.
Ito ay kaugnay ng pahayag ni Villar na handa nilang ampunin si Lacson sa Nacionalista Party bilang standard bearer na hudyat ng pagkalas sa kampo ni Pangulong Arroyo.
Ayon kay Bunye, hindi pipigilan ng Palasyo si Villar sa anumang desisyon nito dahil sa umiiral na demokrasya sa bansa.
Ipinaliwanag ni Bunye na nauunawaan ng Palasyo ang pahayag ni Villar na ang dahilan ng pagpanig nito kay Lacson ay sanhi ng "utang na loob" sa dating hepe ng PNP.
Ayon sa asawa ng senador na si Congresswoman Cynthia Villar, malaki ang utang na loob nila kay Lacson dahil sa pagkakaligtas sa kanilang kinidnap na kapatid na si Christian Aguilar noong 1996 ng binuwag na Presidential Anti-Crime Commission (PACC). (Ulat ni Ely Saludar)