^

Bansa

Petitioner nanindigan: 'Di Pinoy si FPJ'

-
Nanindigan ang mga petitioner na hindi isang tunay at purong Filipino ang aktor na si Fernando Poe, Jr. kaya nararapat lamang siyang idiskuwalipika sa May 10, 2004 presidential elections.

Sa ginanap na oral argument kahapon, dumaan sa butas ng karayom ng mga SC justices ang mga kumukuwestiyon sa citizenship ni FPJ na pinangungunahan nina Atty. Maria Jeanette Tecson, Zoilo Antonio Velez at Andresito Fornier sa pagpapaliwanag sa mga pangunahing isyu gaya ng: kung may kapangyarihan ang Comelec na kanselahin ang certificate of candidacy ni FPJ, kung may kapangyarihan ang SC na direktang dinggin ang demanda at kung si FPJ ay isang natural-born Filipino citizen.

Ayon kay Atty. Tecson, ang SC lamang ang tanging hukuman na hahatol o "sole judge" sa kuwalipikasyon ng isang kandidato sa pagka-pangulo.

Ipinaliwanag ng mga ito na dalawang dokumento lamang ang dapat pagbasehan ng SC at ito ay ang birth certificate ni FPJ na Agosto 20, 1939 at ang marriage certificate ng kanyang magulang noong Setyembre 16, 1940.

Dito pa lamang ay kita na umano na isang illegitimate child si FPJ at ang citizenship ng kanyang ina ay Amerikano at ang kanyang ama ay Filipino subalit dahil anak siya sa labas ay dapat niyang sundan ang citizenship ng kanyang ina.

Gayunman, sinabi ni Tecson na maaaring bigyan ng retroactive application ang Family Code para ituring na legal na anak si FPJ subalit hindi ito maaaring gawin sa kaso ni Da King dahil mayroong karapatan na maapektuhan o vested rights dahil walang pagkilala ang ama ni FPJ.

Hindi rin umano kinilala o in-acknowledge ng ama si FPJ hanggang sa petsa ng death certificate nito noong 1951.

Iginiit ni Tecson na dapat ay kasal ang mga magulang ng isang anak sa labas at kailangan din ng pagkilala ng kanyang ama dahil ito ang itinatadhana ng 1950 Civil Code.

Mismong sina SC Justice Jose Vitug at ang amicus curiae na si Fr. Joaquin Bernas ang nagsabi na applicable lamang ang retroactive application ng Family Code subalit ang citizenship ay malinaw na isang political right.

Ayon kay Bernas, ibibigay niya ang kanyang opinyon base lamang sa batas at hindi kung papabor siya o hindi para kay FPJ.

Kumpleto ang 14 SC justices sa naturang pagdinig na inaasahang ipagpapatuloy ngayong araw dahil sa haba ng oras na dapat ikonsumo dito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANDRESITO FORNIER

AYON

CIVIL CODE

DA KING

FAMILY CODE

FERNANDO POE

FPJ

JOAQUIN BERNAS

JUSTICE JOSE VITUG

TECSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with