^

Bansa

Apela ng 71 'panggulo' ibinasura ng Comelec

-
Tuluyan na ring ibinasura ng Comelec ang apela na ikonsidera ang kandidatura ng may 71 kandidatong idineklarang "nuisance" sa May 10 national elections.

Sa 6-pahinang desisyon ng Comelec en banc, hindi kinatigan ang motion for reconsideration na isinampa ng may 39 presidential candidates, 8 sa pagkapangulo at 24 sa pagkasenador.

Kabilang sa mga hindi pinagbigyan ng komisyon ang apela ng kilalang kandidato sa pagkapangulo na gumawa ng "drama" sa tanggapan ng Comelec na si Atty. Elly Pamatong.

Sina Ely Soriano ng Ang Dating Daan na tumakbong independent sa pagkasenador at Leonardo Polinar na tumatakbo bilang presidente ay ibinasura din ang kanilang mosyon.

Iginiit ng Comelec na walang kakayahan ang mga nabanggit na bilang ng nuisance candidate na magsagawa ng malawakang kampanya at walang awtorisadong nominasyon sa alinmang partido kaya bagsak sa screening. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANG DATING DAAN

COMELEC

ELLEN FERNANDO

ELLY PAMATONG

IGINIIT

KABILANG

LEONARDO POLINAR

SINA ELY SORIANO

TULUYAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with