^

Bansa

GMA posters binaklas na

-
Ipinatanggal na ng mga tagasuporta ni Pangulong Arroyo ang mga inilagay nilang posters ng Pangulo sa mga hayag na lugar ng Metro Manila para maiwasan ang reklamong nilalabag ang batas laban sa maagang pangangampanya.

Inihayag ito ni Presidential Campaign spokesman Mike Defensor kasunod ng babala ng Comelec na sasampahan ng kasong premature campaigning sina Pangulong Arroyo, Fernando Poe Jr. at Raul Roco.

Sinabi ni Defensor na ang mga poster ng Pangulo ay hindi naman kumakampanya kundi may kinalaman lang sa mga isinusulong na programa ng pamahalaan. Nilinaw din ni Defensor na walang pondo ng gobyerno ang ginagamit para isulong ang kandidatura ng Pangulo.

Ang inilunsad niyang Philhealth Insurance para sa mahihirap na may pondong P3 bilyon ay hindi kukunin sa kaban ng bayan dahil ito ay pribadong pondo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

COMELEC

FERNANDO POE JR.

LILIA TOLENTINO

METRO MANILA

MIKE DEFENSOR

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PHILHEALTH INSURANCE

PRESIDENTIAL CAMPAIGN

RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with