Atake ni Corpus kay Loren binira ng Senado
February 3, 2004 | 12:00am
Binatikos kahapon ng mga senador si Brig. Gen. Victor Corpuz dahil sa ginawa nitong paghamak sa pagkatao ni KNP vice presidentiable candidate Sen. Loren Legarda na tinawag ng heneral na "political prostitute" upang masiguro lamang ang panalo sa vice presidential race.
Wika ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. at Sen. Juan Flavier, dapat humingi ng public apology si Gen. Corpuz kay Legarda matapos kaladkarin nito ang pangalan ng senadora sa umanoy grupong nais patalsikin ang kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Sen. Pimentel, dapat ay hindi ginagamit ni Corpuz ang AFP sa pamumulitika at pinayuhang magretiro na lamang ito dahil hindi naman siya nakakatulong sa imahe ng Sandatahang Lakas ng bansa.
Sinabi naman ni Sen. Flavier, nagkamali siya sa pag-aakala na ang isang officer is a gentleman dahil pinatunayan ito ni Corpuz ng magbigay ng malisyosong pahayag at manghamak ng isang babae na wala naman sa kanyang trabaho bilang civil relations chief ng AFP.
Sinabi ng mga senador na dapat asikasuhin ni Corpuz ang kanyang trabaho at dapat huwag na siyang makialam sa usapin ng pulitika dahil nakakaladkad niya ang imahe ng AFP.
Maging ang grupong Gabriela ay nagtanggol kay Legarda sa pagsasabing ang pagbatikos sa Arroyo administration ay hindi gawa ng isang political prostitute kundi isang katapangan at pagkamulat sa katotohanan.
Pinili naman ni Sen. Legarda na manahimik na lamang sa ginawang pagbatikos sa kanya ni Corpuz. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended