^

Bansa

Saycon, 7 pang 'Kawal' kinasuhan na

-
Kinasuhan na sa Department of Justice (DOJ) ng kasong kriminal si Council on Philippine Affairs (COPA) secretary general Pastor "Boy" Saycon dahil sa pambabastos sa bandila ng Pilipinas at pangunguna sa tangkang destabilisasyon sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Batay sa complaint affidavit na isinumite ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ, idiniin nito si Saycon sa nasabing kaso dahil sa umano’y pakikipagsabwatan nito sa mga miyembro ng ‘Kawal Pilipino.’

Si Saycon ang napaulat na tumulong para iharap sa media ang naturang mga sundalo na tutol sa liderato ni Defense Secretary Eduardo Ermita.

Kasong paglabag sa Republic Act 8491 o paglapastangan sa Philippine Flag ang isinampa laban kay Saycon.

Kasama ding kinasuhan ng NBI sina ret. Police Gen. Pedro Navarro at Atty. Pedro Baltazar at ang limang umano’y miyembro ng Kawal na sina Army Capts. Mohammad Yusop Hasan, Marcos Serapica, Philip Esmeralda, Rembert Baylosis at Edwin Navarro.

Samantala si Atty. Baltazar ay kakasuhan din ng disbarment at paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code o illegal use of uniform dahil sa pagpapanggap nito na siya si Capt. Gabay habang binabasa ang kanilang manipesto. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ARMY CAPTS

DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDWIN NAVARRO

KAWAL PILIPINO

MARCOS SERAPICA

MOHAMMAD YUSOP HASAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ARROYO

PEDRO BALTAZAR

SAYCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with