^

Bansa

Citizenship ni FPJ pinitisyon uli sa SC

-
Nadadagdagan ang mga kumukuwestiyon sa Korte Suprema kaugnay sa tunay na pagkamamamayan ni Fernando Poe Jr. makaraang isang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang umakyat na rin sa Supreme Court para kuwestiyunin ang citizenship ni Da King.

Naghain ng 10-pahinang petisyon si Atty. Zoilo Antonio Velez, president ng IBP Misamis Oriental-Cagayan chapter para hilingin sa Mataas na Hukuman na hawakan na nito ng tuluyan ang kaso patungkol sa pagkamamamayan ni FPJ.

Nilinaw nito na si FPJ ay hindi isang lehitimong anak kaya ang citizenship nito ay susunod sa kanyang ina. Ang ina ni FPJ na si Bessie Kelley ay isang Amerikano kaya susundin nito ang citizenhip ng ina alinsunod sa itinatadhana ng batas.

Ipinanganak si FPJ noong Agosto 20, 1939 kung saan ay hindi pa kasal sina Allan Fernando at Kelley kaya malinaw anya na illegitimate child si FPJ at nangangahulugan lamang na hindi siya natural-born Filipino.

Iginiit pa nito na hindi rin umano sinunod ang mga prosesong legal para ituring na isang natural-born Filipino si FPJ dahil nakasaad sa Article 131, 135 at 136 na kailangang kilalanin si FPJ ng kanyang magulang bilang isang natural child. Wala umanong patunay na dumaan si FPJ sa ganitong proseso.

Una nang naghain ng petisyon sa SC sina Attorneys Maria Jeanette Tecson at Felix Desiderio Jr. na humihiling na baligtarin na ang resolusyon ng Comelec na ipinalabas noong Enero 17, 2004 na nagbibigay daan para payagang kumandidato si FPJ sa pagka-pangulo. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ALLAN FERNANDO

ATTORNEYS MARIA JEANETTE TECSON

BESSIE KELLEY

DA KING

FELIX DESIDERIO JR.

FERNANDO POE JR.

FPJ

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

KORTE SUPREMA

MISAMIS ORIENTAL-CAGAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with