WOW Philippines papalitan ng BEST
January 30, 2004 | 12:00am
Nakatakdang ibasura ng bagong Department of Tourism (DOT) Secretary Robert Dean Barbers ang proyektong Wow Philippines ni dating Tourism Secretary Richard Gordon at palitan ng BEST o Beautification of Exciting Sites and Trips.
Niliwanag ni Barbers na wala siyang personal na away kay Gordon kahit pa noong hawak niya ang Philippine Tourism Authority (PTA), subalit ang programa ni Gordon ay para sa taong 2003 lamang at wala siyang intensiyon na sirain ang programa na kanyang sinundan sa pamamagitan ng kanyang BEST.
Sa kabila nito, binigyang diin ni Barbers na pag-aaralan nila kung maaari pa ring sundan o ampunin ang proyekto ni Gordon.
Si Barbers ay nanumpa noong Miyerkules kay Pangulong Arroyo bilang officer-in-charge ng DOT kapalit ni Gordon na kumandidato ngayon sa pagka-senador sa ilalim ng partido Lakas-CMD.
Kabilang naman sa pinasikat ni Gordon sa ilalim ng Wow Philippines ay ang pagpapaganda sa Intramuros, Fort Santiago at ilang magagandang tanawin at lugar sa bansa. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest