Ayon kay Pagdanganan, magiging masamang halimbawa sa mata ng kanyang mga kababayan kung papatulan niya ang mga pasaring ni dela Cruz.
Mas binibigyan niya ng halaga at atensiyon ang kanyang mga problemang pang-agraryo upang malaman ang mga pangangailangan ng mga magsasaka.
Nalulungkot lamang siya dahil pati ang kanyang anak na si Raymond Pagdanganan na tumatakbo bilang bise gobernador ay nadadamay sa pamumulitika ni dela Cruz.
Aniya, nagbanta pa umano si dela Cruz na magre-resign sakaling manalo si Raymond sa eleksiyon.
Iginiit ng kalihim na hindi dapat na nagpapaimpluwensiya sa takbo ng pulitika at personal na galit si dela Cruz upang sirain lamang ang ibang kandidato. (Ulat ni Doris Franche)