Pa-pogi ni FPJ, di kuwalipikasyon para maging pangulo - Solons
January 24, 2004 | 12:00am
Hindi isang kuwalipikasyon para sa kakandidatong pangulo ang pa-pogi epek.
Ito ang naging pahayag ni Antique Rep. Exequiel Javier kaugnay sa kabiguan ni action king Fernando Poe Jr. na magbigay ng kongkretong paliwanag sa kanyang plataporma de gobyerno.
Ayon kay Javier, pa-pogi lamang ang ginawa ni FPJ sa harap ng mga negosyante sa halip na ipaliwanag ng husto ang kanyang mga balakin sakaling maging pangulo ng bansa.
Nangako lamang aniya siya na ibabalik ang kumpiyansa ng taumbayan sa pamahalaan, pagpapaunlad sa Mindanao at sa kalagayan sa pinansiyal ngunit hindi naman niya binanggit kung papaano niya ito gagawin.
Sinabi pa ni Javier na hindi pagpapa-guwapo ang pangunahing katangian ng isang kandidato kundi kakayahan at karakter na pamunuan ang bansa.
Naniniwala naman si Iloilo Rep. Augusto Syjuco na panahon na kay FPJ na harapin ang katotohanang may kakulangan ito sa pamumuno.
Ayon kay Syjuco, hindi katulad ng pelikula na may iskrip, may ka-double sa mga delikadong eksena at puwedeng magtake-2 o umulit ang pamamahala ng gobyerno.
Iminungkahi naman ni Bulacan Rep. Wilfrido Villarama na humarap si FPJ sa isang open forum kasama ang lahat ng sektor ng lipunan upang malaman kung ano ang gagawin nito sa mga karaingan ng taumbayan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am