Ayon kay Immigration Commissioner Alipio Fernandez, kung mapapatunayan na isang dayuhan si FPJ ay mahaharap ito sa deportasyon lalo pa kung wala itong pinanghahawakang dokumento na nagbibigay pahintulot upang makapamuhay, makapagnegosyo at makapanatili sa bansa.
Bunga nito, iimbestigahan ng Bureau of Immigration ang mga hawak na dokumento ni FPJ upang matiyak na hindi rin ito maituturing na overstaying alien at hindi illegal ang pananatili nito sa Pilipinas.
Una nang ibinunyag noon ng BI na si FPJ ay may hawak na mga pasaporte ngunit hindi naman malinaw kung tunay na Filipino.
Si FPJ, Ronald Allan Kelley Poe sa tunay na buhay ay sinasabing anak nina Bessie Kelley na isang American citizen at Allan Poe na isa namang Kastilaloy. Ang dalawa ay hindi umano kasal ng ipinanganak si FPJ noong August 20, 1939.
Bunga ng kawalang dugong Filipino ni FPJ ay hindi ito papayagan ng Saligang Batas na tumakbo bilang pangulo ng bansa. (Ulat ni Grace dela Cruz)