FPJ pinapa-disqualify sa Comelec
January 10, 2004 | 12:00am
Tila mauudlot pa ang kandidatura ni Fernando Poe Jr. matapos siyang ipetisyon kahapon upang ma-disqualify dahil sa hindi pagiging isang tunay na Pilipino.
Ayon sa 7-pahinang petisyon ni Victorino Fornier, may sapat na gulang, residente ng #122 Suerte st., Pasay City, si FPJ (Ronald Allan Kelly Poe sa tunay na buhay) ay isang American citizen dahil isang Amerikana ang kanyang ina.
Isinasaad ng Section 2 Article VII ng 1987 Constitution na "No person may be elected president unless he is a natural-born citizen of the Phils., a registered voter, able to read and write, at least forty years of age on the day of the election, and resident of the Phils. for at least 10 years immediately preceding such election."
Nabatid na ang tunay na mga magulang umano ni FPJ ay sina Allan Poe, isang Spanish habang ang ina nito na si Bessie Kelly ay isang American citizen.
Ang mga magulang naman ni Allan Poe na sina Lorenzo Poe at Marta Reyes ay pawang citizen ng Spain.
Sinabi ni Fornier, bagaman ipinalalagay na si FPJ ay isang tunay na Pinoy, hindi pa rin balido ang Filipino citizenship nito dahil ang kasal ng kanyang ama at inang si Bessie Kelly ay walang saysay o void dahil may unang asawa si Allan Poe na nakilalang si Paulita Gomez na ikinasal noong Hulyo 5, 1936 na hindi pa na-annul. Hindi anya maaring manahin ni FPJ ang apelyido ng ama dahil nakasaad sa batas na dapat dalhin ng isang anak sa labas ang apelyido ng ina.
Una pang naghain ng kasong bigamy at concubinage si Gomez laban sa ama ni FPJ matapos na sumama ang una kay Bessie Kelly na tunay na ina ng action king.
Kabilang sa mga isinumiteng ebidensiya ni Fornier ay ang birth certificate ni FPJ at ang marriage certificate nina Allan Poe at Paulita Gomez.
Dahil dito, iginiit ng petitioner sa Comelec na dapat i-disqualify sa darating na May 10 elections si FPJ dahil sa hindi nito pagiging tunay na Pilipino. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended