^

Bansa

Zamboanga City Mayor Lobregat namatay na

-
Sumakabilang buhay na si Zamboanga City Mayor Maria Clara Lobregat nitong Biyernes sa Medical Center Manila dahil sa heart failure sanhi umano ng mababang counts ng ‘blood platelets’.

Ang pagpanaw ni Lobregat ay kinumpirma mismo ng anak nito si Zamboanga City Congressman Celso Lobregat.

Ayon sa kongresista , dakong 11:50 ng gabi ng bawian ng buhay ang kanyang ina.

Sinabi ng solon na ang bangkay ng ina ay dadalhin sa Zamboanga City para paglamayan ng tatlong araw bago ito ibalik sa Maynila para ilibing sa tabi ng pinaglibingan sa asawa nitong si Celso Lobregat Sr.

Si Mayor Lobregat, 83, ay kilala bilang ina ng mga Zamboangeños at kilala sa taguring Tita maging noon pang kasalukuyan itong Kongresista sa lungsod. Kabilang siya sa naging instrumento para di mapabilang ang Zamboanga City sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nabatid pa na bago namatay ang alkalde ay plano nitong bumalik sa Zamboanga City para ihanda ang pagsusumite ng certificate of candidacy ng kanilang partido. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

AYON

CELSO LOBREGAT SR.

MEDICAL CENTER MANILA

MUSLIM MINDANAO

ROEL PARE

SI MAYOR LOBREGAT

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY CONGRESSMAN CELSO LOBREGAT

ZAMBOANGA CITY MAYOR MARIA CLARA LOBREGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with