^

Bansa

Bagong BI cheif hinamong walisin ang undocumented aliens sa bansa

-
Hinamon kahapon ni Senador Edgardo Angara ang bagong talagang commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na si Alipio Fernandez na walisin ang undocumented aliens sa bansa.

Sinabi ni Sen. Angara na ang isa pang poproblemahin ni Fernandez ay ang pang-aabuso ng mga dayuhan sa hospitality ng ating bansa kaya malakas ang loob nilang mag-overstay.

"Just go to Divisoria and you will immediately realize the magnitude of the problem. The place is teeming with overstaying aliens, as can be seen from the facial and physical features of those who conduct business there," sabi ni Angara.

Dahil sa mga problemang ito, tuwiran na ring inakusahan ni Angara na naging inutil ang nagbitiw na komisyuner ng BI na si Andrea Domingo sa paghuli ng undocumented at overstaying aliens.

Kaugnay nito, ipinasisilip naman ni Angara sa BI kung inaabuso ng ibang ahensiya ng gobyerno ang pag-iisyu ng visa sa mga dayuhan,

Bukod sa Department of Foreign Affairs (DFA), nag-iisyu din ng investor visa ang Department of Trade and Industry samantalang retirement visa naman ang ibinibigay ng Philippine Leisure and Retirement Authority.

Matatandaan na ilan sa mga Chinese nationals na nahuli sa raid ng mga shabu laboratories sa bansa ay nakapasok sa Pilipinas taglay ang investor visa. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ALIPIO FERNANDEZ

ANDREA DOMINGO

ANGARA

BUKOD

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

PHILIPPINE LEISURE AND RETIREMENT AUTHORITY

RUDY ANDAL

SENADOR EDGARDO ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with