^

Bansa

Pagpapalawig ng ceasefire makabubuti sa bansa

-
Sa anibersaryo ng pagpundar ng New People’s Army (NPA), itinulak ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. ang kanyang panawagan na palawigin ang tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebelde hanggang sa matapos ang 2004 elections.

Sa isang panayam, sinabi ng chairman ng House committee on national defense na sumusuporta na rin ang ibang mga kongresista sa kanyang panawagan dahil lubos na makabubuti ang paghaba ng tigil-putukan sa mamamayang Pilipino at para sa bansa.

Ani Pichay, ang mahabang tigil-putukan ay magbibigay din ng senyales na seryoso si Pangulong Arroyo na patahimikin ang mga hidwaan at hindi pagkakasundo sa panahon ng halalan.

"Karapat-dapat lang din na suportahan ito ng CPP-NPA dahil tumatakbo para sa Kongreso ang mga partylist representatives na kaalyado sa kanila. At dapat lamang magtulungan tayong lahat upang palawigin ang ceasefire na hindi magkaroon ng hadlangin sa pagpipili ng mga mabubuti at wastong lider ang ating mga mamamayan sa Mayo," sabi ni Pichay.

Ayon pa kay Pichay, matutupad ang pangarap ng mamamayan na magkaroon ng isang malinis, maayos at mapayapang halalan kung magkakaroon ng isang mahabang tigil-putukan sa pagitan ng militar at mga rebelde. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANI PICHAY

AYON

KARAPAT

MALOU RONGALERIOS

NEW PEOPLE

PANGULONG ARROYO

PICHAY

PROSPERO PICHAY JR.

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with