^

Bansa

Ople, ginawaran ng Full State Honor

-
Iginawad kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople ang full state honor sa paghahatid sa kanya sa huling hantungan kahapon ng tanghali sa Libingan ng mga Bayani.

Nakipaglibing kay Ople, 76, sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, mga senador, kongresista, miyembro ng gabinete at kaibigan nito.

Dumalo rin ang lahat ng foreign dignitaries sa pangunguna ni US ambassador Francis Ricciardone, Australian ambassador Ruth Pearce.

Nabatid na dumating din sa bansa si Indonesian Foreign Minister Nur Hassan Wirrajuda at mga deputy ng foreign ministers ng iba’t ibang bansa.

Ganap na alas-8 ng umaga nang ialis ang labi ni Ople sa bayan nito sa Hagonoy, Bulacan para sa isang neorogical mass na ginanap sa Barasoain church sa Malolos.

Mula sa Malolos, tumulak ang convoy ng Ople funeral patungong Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio sa Makati City. Lulan ng 14 na bus ang nakipaglibing sa nasabing opisyal bukod pa sa mga pribadong sasakyan na nakabuntot sa likuran ng kinalululanan ni Ople mula pa sa Bulacan.

Eksaktong alas-11 ng umaga kahapon nang dumating ang labi ni Ople sa nasabing libingan at dito ginawaran siya ng 21-gun salute.

Iminitsa ang labi ni Ople lulan ng karwahe na hila ng mga kabayo at huminto sa lugar na paglalagakan sa kanya malapit sa Tomb of the Unknown Soldiers.

Nagpasalamat ang pamilya ni Ople sa pangunguna ng kanyang maybahay na si Susana, mga anak na sina Toots, Hagonoy Mayor Felix at Raul sa libong katao na dumalo sa libing ng opisyal.

Nabatid sa kasaysayan na ikalawa si Ople na naging foreign affairs secretary na ginawaran ng state funeral kasunod ni Carlos P. Romulo noong 1985.

Magugunita na nasawi si Ople sa heart attack habang lulan ng Japan-Asia Airways patungong Bahrain. Sinubukang isalba ang buhay ng opisyal matapos na mag-emergency landing ang sinasakyan nitong eroplano sa Taipei, Taiwan at isinugod sa pinakamalapit na hospital doon subalit binawian din ito ng buhay. (Ulat nina Lordeth Bonilla/Ellen Fernando)

BAYANI

BULACAN

CARLOS P

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

FORT BONIFACIO

FRANCIS RICCIARDONE

HAGONOY MAYOR FELIX

INDONESIAN FOREIGN MINISTER NUR HASSAN WIRRAJUDA

OPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with