^

Bansa

100 katao patay sa landslide

-
Pinangangambahang umabot sa 100 katao ang nasawi matapos malibing ng buhay sa magkakahiwalay na insidente ng landslide sa dalawang bayan ng Leyte, kamakalawa ng gabi at kahapon ng hapon.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) Executive Director ret. Major Gen. Melchor Rosales, nasa 30 katao pa lamang ang kumpirmadong bangkay na narerekober at inaasahang tataas pa ang bilang dahil nasa mahigit 80 pa ang nawawala.

Ayon kay Rosales, naitala ang unang insidente ng landslide bandang alas-12 ng hatinggabi sa Brgy. Punta, San Francisco, Southern Leyte na ikinasawi ng 13 katao habang 83 pa ang nawawala.

Bandang alas-3 naman kahapon ng muling masundan ang insidente ng landslide na nakaapekto sa may 300 pamilya sa bayan naman ng Liloan kung saan 21 katao ang nasawi habang marami pa ang pinaghahanap matapos matabunan ng gumuhong bundok.

Nabatid na ang landslide ay sanhi ng walang humpay na pagbuhos ng ulan sa nasabing mga lugar na nagdulot ng paglambot ng lupa.

Agad namang pinakilos nina Southern Leyte Governor Rosette Lerias at Army’s 8th Infantry Division (ID) Chief Major Glenn Rabonza base sa direktiba ni Defense Secretary at NDCC Chairman Eduardo Ermita ang search and rescue team upang hanapin ang mga nawawala pang biktima.

Sinabi ni Lerias sa bayan ng San Francisco ay naitala na sa 13 katao ang kumpirmadong nasawi , 83 pa ang nawawala at 250 naman ang nailigtas.

Nabatid na may 80 kabahayan rin ang natabunan ng lupa sa landslide na nanalanta sa bayan ng San Francisco habang stranded rin ang mga biyahe ng mga sasakyan sa mga apektadong lugar.

Sa kabila na rin ng nagkalat na bangkay sa mga lugar na sinalanta ng landslide ay tiwala si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman na nagtungo lamang sa mga ligtas na lugar ang iba pang mga pinaghahanap at di ang mga ito kabilang sa mga hinuhukay na bangkay na natabunan ng lupa.

Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operations ng mga lokal na pamahalaan sa tulong ng mga operatiba ng Phil. Army at ng pulisya sa lugar upang hanapin ang mga nawawala pang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

CHAIRMAN EDUARDO ERMITA

CHIEF MAJOR GLENN RABONZA

DEFENSE SECRETARY

EXECUTIVE DIRECTOR

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MAJOR GEN

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with