Huling sulyap kay Ka Blas
December 18, 2003 | 12:00am
Nagbigay ng huling sulyap ang mga senador sa labi ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople matapos dalhin ang bangkay nito sa Mataas na Kapulungan kahapon para sa necrological services nito.
Nagsilbi si Ka Blas sa public service sa loob ng halos limang dekada kung saan ay nakapagsilbi ito sa anim na presidente ng Pilipinas mula kay yumaong Pangulong Marcos hanggang sa Arroyo administration.
Kabilang sa mga landmark legislation ni Ka Blas ay ang 13th month pay at ang pagkakaroon ng National Labor Relations Commission kung saan inihahain ng mga manggagawa ang kanilang reklamo laban sa kanilang employer.
Nakatakdang dalhin ang labi ni Ka Blas sa kanyang hometown sa Hagonoy, Bulacan upang masilayan ng kanyang mga kaibigan, kaanak at tagasuporta.
Ipinagluksa rin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagyao ni Ka Blas. Sinabi ni Agrarian Secretary Roberto Pagdanganan na isa ring Bulakenyo, na si Ka Blas ay isang dakilang makabayan, isang dakilang Bulakenyo. Ang kanyang pagpanaw ay nagdulot anya ng kalungkutan sa bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest