Ito ang nabatid kahapon kay Col. Edgardo del Rosario, hepe ng Civil Affairs Group ng Phil. Army matapos na pasimulan na ng komunistang grupo ang pangingikil sa mga pulitiko sa mga balwarte ng mga itong teritoryo sa bansa.
Nabatid na sa tatakbong gobernador ay sumisingil na ang mga rebelde ng P500,000; P300,000 sa mga kongresista; P100,000 sa mga mayor at P50,000 sa mga bise alkalde. Maliban sa cash ay tumatanggap rin ang mga rebelde ng mga armas, bala at mga pagkain mula sa mga kandidato.
Kamakailan lamang ay ipinangalandakan ni NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal na mahigpit nilang ipatutupad ang "permit-to-campaign fees" sa mga pulitiko upang hindi ang mga ito masabotahe sa mga tinaguriang rebel infested area" sa panahon ng kampanya. (Ulat ni Joy Cantos)