^

Bansa

Litisin muna si Robot

-
Sa halip na imbestigahan ng Kongreso ang paratang ni Ghalib Andang alyas Kumander Robot na may nakinabang na mga opisyal ng gobyerno sa ransom money na nakuha sa mga Sipadan hostages, nais ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. na dapat litisin muna ang naturang lider sa mga kasalanan nito sa taumbayan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Rep. Pichay na hindi dapat agarang paniwalaan ang ginawang paratang ni Robot dahil gagawa umano ito ng lahat ng paraan upang maging mabango sa mata ng publiko.

Dapat anyang alalahanin na maraming inosenteng sibilyan ang kanilang pinatay, nilapastangan at maging ang ating ekonomiya ay naapektuhan ng husto sa walang habas na pangingidnap nila.

"Ang isyu rito ay nahuli na natin ang numero unong kriminal sa bansa at dapat sumentro ang pansin ng pamahalaan kung papaano mabibigyan ng katarungan ang mga naging biktima," pahayag ni Pichay.

Samantala, matapos putulin ang kaliwang hita ni Robot, nadiskubre naman na may sakit ito sa bato.

Ayon kay AFP surgeon general Col. Rafael Regino, tumataas ang level ng createnin ni Robot kung saan hindi umano ito normal.

Umaabot hanggang 350 ang creatinin level nito na bumaba hanggang 271 pero mas mataas pa rin ito sa normal na level na 5.

Kung magpapatuloy anya ang pagtaas ng createnin ng Sayyaf leader ay kailangan na nilang isagawa ang kidney transplant.

Ang createnin ay isang uri ng puting "crystalline nitrogenous body" na kahalintulad ng creatin na nabubuo mula sa acids na nagmumula naman sa muscle tissue at ihi ng isang tao. (Ulat nina Malou Rongalerios/Joy Cantos)

AYON

DAPAT

GHALIB ANDANG

JOY CANTOS

KUMANDER ROBOT

MALOU RONGALERIOS

PICHAY

PROSPERO PICHAY JR.

RAFAEL REGINO

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with