^

Bansa

5 nirape na Pinay sa Kuwait nagpa-areglo

-
Ikinabigla ng grupo ng Migrante International ang pagpayag ng limang Pinay OFW na makipag-areglo sa mga taong nanggahasa sa kanila sa bansang Kuwait.

Ayon sa grupo, posibleng napilitan lamang ang mga Pinay na bawiin ang kanilang reklamo laban sa mga akusadong dayuhan na nanamantala sa kanila bunsod na rin sa pagpupursige ng pamahalaan na ayusin na lang ang kaso sa halip na dalhin pa ito sa hukuman doon.

Sinabi ni Divine Garcia ng Migrante, ang pamahalaan pa mismo ang dapat na maggiit na dalhin sa hukuman ang kasong rape lalo na sa isang Pinay na dinukot at halinhinang ginahasa ng siyam na Kuwaiti, gayundin sa dalawa pa na biktima ng gang rape noong Nobyembre.

Handa naman umanong magbigay ng legal na tulong ang Migrante para ipaglaban ang kaso lalo na sa dalawa pang Pinay OFW na gustong isulong ang kaso sa hukuman.

Kaugnay nito, magsasagawa ng kilos protesta ang Migrante sa Department of Foreign Affairs para kondenahin ito sa kapabayaan sa mga kaso ng Pinay rape victims. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CRUZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DIVINE GARCIA

HANDA

IKINABIGLA

KAUGNAY

MIGRANTE INTERNATIONAL

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with