GMA,nagtatrabaho kahit may sakit
December 7, 2003 | 12:00am
Pinilit umano ni Pangulong Arroyo na magtrabaho nitong mga nagdaang araw kahit na may trangkaso upang maipagmalaki lamang sa hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. na kaya niyang magtrabaho kahit na may sakit.
Ayon kay Senador Robert Barbers, noong Lunes pa masama ang pakiramdam ng Pangulo subalit dumiretso pa rin ito sa inauguration ng bagong Davao International Airport bago bumalik sa Maynila upang pasinayaan ang paglulunsad ng Himagsik ng Bansa Laban sa Droga sa Liwasang Bonifacio at sa iba pang tourism project sa Intramuros.
Sa mga sumunod na araw ay naging abala naman ang Chief Executive sa "anti-crime blitz" nang bisitahin ang isang warehouse sa Pasig City kung saan natagpuan ang pabrika ng shabu, pagpiprisinta sa media ng dalawang nahuling miyembro ng kidnap-for-ransom gang at ang ginawang pamamagitan sa pagkakasundo nina PNP Chief Gen. Hermogenes Ebdane at dating CIDG chief Gen. Eduardo Matillano.
"It shows the character of a leader. That even when you are not 100 percent healthy, you can still deliver a 100 percent in your work. Do we need a better gauge for our next president?" wika ni Barbers.
Sa naging pahayag ni Barbers, parang ipinapamukha nito kay FPJ na hindi balakid ang pagkakasakit ng isang tao upang makansela ang mga appointment nito.
Matatandaan na nagkaroon din ng trangkaso si FPJ kaya hindi ito nakadalo sa patawag na debate ng mga negosyante sa Manila Hotel noong nakaraang linggo, gayundin sa one-on-one meeting nila ni Sen. Panfilo Lacson noong nakaraang Miyerkules. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest