17-anyos Pinoy sa Canada tinodas sa bugbog
December 3, 2003 | 12:00am
Isang 17-anyos na Pilipinong estudyante sa Vancouver, Canada ang kinuyog at pinagtulung-tulungang bugbugin ng Indian-Canadian teenagers matapos na magtalo sa "racial discrimination" noong Sabado.
Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang Pilipino na si Mao Jomar Lanot, nag-aaral sa Charles Tupper Secondary School sa Vancouver.
Namatay si Lanot sa ospital ilang oras matapos na sumailalim ito sa operasyon bunga ng matinding bugbog at palo sa ibat ibang parte ng katawan.
Pauwi na si Lanot kasama ang tatlo pang kaibigang Pinoy ng kantiyawan ng grupo ng mga suspek. Sinigawan at ininsulto umano sina Lanot dahil sa pagiging Pinoy kaya napikon ang mga biktima at nakipagpalitan ng maaanghang na salita.
Naglabasan ang ibang Indian-Canadian teenagers sa kanilang sasakyan at pinagpapalo at ginulpi ang magkakaibigang Pinoy. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended