Death disability benefits ng OFWs pinadadagdagan
November 30, 2003 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Catanduanes Rep. Joseph Santiago sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na taasan ang death, disability, medical reimbursement at iba pang benepisyo ng mga overseas Filipino workers sa ilalim ng Self-Insurance Coverage Program (SICP).
Sinabi ni Rep. Santiago na hindi pa rin sapat ang natatanggap na benepisyo ng mga kamag-anak ng mga OFW na nasasawi sa ibang bansa.
Napakalaki anya ang naitutulong ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa kung saan umabot sa P5.66 bilyon ang naipadala nila sa Pilipinas sa nakaraang siyam na buwan ng taon.
Bagaman at itinaas ng OWWA sa P100,000 ang death benefit ng isang land-based OFW na nasawi dahil sa natural causes mula sa P70,000, binawasan naman ng P20,000 ang funeral grant.
Lumalabas na P10,000 lamang ang itinaas ng OWWA para sa death benefit ng bawat land-based OFW na namatay sa natural causes.
Makakatanggap naman ng P20,000 ang mga naiwan ng OFWs na nasawi dahil sa aksidente.
Sa ilalim ng SICP, ang mga OFW ay pinagbabayad ng premiums sa ilalim ng Insurance Benefit Program Fund ng OWWA upang masigurong may matatanggap ang kanilang mga maiiwang kamag-anak.
Naniniwala si Santiago na napakaliit ng benepisyong naiiwan ng mga OFW sa kanilang pamilya kaya dapat lamang itong dagdagan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest