^

Bansa

Gun ban ipatutupad

-
Umpisa sa Disyembre 15 ay ipatutupad na ng Philippine National Police (PNP) ang gun ban sa buong bansa kaugnay ng nalalapit na election period ng Comelec.

Ito’y bunsod ng umiinit na isyu ng pulitika sa bansa matapos na magdeklara na rin ng kanyang ambisyong tumakbo sa pampanguluhan si action king Fernando Poe Jr.

Ayon kay PNP-Deputy Directorate for Police Community Relations Director Ricardo de Leon, kapag ipinatupad ang gun ban ay mapapawalang bisa ang lahat ng mga inisyung Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) na ipinalabas ng Office of the Chief PNP Secretariat.

Ayon kay de Leon, para makapagdala ng armas ay kailangang kumuha muna ang sinuman ng exemption sa Comelec na iniisyu lamang kapag may mga pagbabanta sa kanilang buhay.

Iginiit ni de Leon na hindi rin "exempted" sa pagdadala ng baril ang mga kagawad ng pulisya at maging ang mga sundalo maliban na lamang kung nasa duty ang mga ito at deputado ng naturang komisyon.

Kinakailangan ring magsumite ang bawat unit ng PNP masterlist nito sa Comelec para sa mga itatalagang deputado ng nasabing komisyon mula sa kanilang hanay.

Ang gun ban ay tatagal hanggang Hunyo 2004 kapag naideklara na ang mga nagwaging kandidato. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

COMELEC

DEPUTY DIRECTORATE

FERNANDO POE JR.

JOY CANTOS

OFFICE OF THE CHIEF

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE COMMUNITY RELATIONS DIRECTOR RICARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with