^

Bansa

GMA-Drilon team, binubuo

-
Kasalukuyang tinatrabaho ng ilang kilalang kasapi ng partido Lakas at Liberal Party (LP) ang pagbuo ng tambalan nina Pangulong Arroyo at Senate President Franklin Drilon para sa 2004 presidential race.

Inihayag kahapon ng isang mataas na lider ng LP na suportado ng buong kasapian ng kanilang partido ang panukalang gawing running mate ni GMA si Drilon na manunumpa naman bukas bilang bagong kasapi at chairman ng LP. Matatandaang tumiwalag si Drilon sa LDP noong 2001 sa panahon ng impeachment trial ni Estrada at nanatili siyang independent mula noon.

"Nagsama-sama ang mga grupong progresibo sa loob ng ilang partido pulitikal at non-government organizations at maging sa civic at business groups upang isulong ang tambalang GMA-Drilon para sa 2004 presidential race," pahayag ng isang mataas na opisyal ng LP na ayaw munang magpabanggit ng pangalan.

Sinabi nito na kasalukuyang pinag-uusapan ng pamunuan ng Lakas at LP ang posibleng team-up nina Pres. Gloria at Drilon upang wakasan na ang espekulasyon hinggil sa magiging running mate ni GMA.

Naunang lumutang ang pangalan ni Sen. Noli de Castro bilang ka-tandem ni GMA pero agad itong winaksi ng senador na isa ring broadcaster kung kaya nakasilip ng pagkakataon ang mga lider ng LP na ipasok ang pangalan ni Drilon na sinasabi nilang higit na magbibigay ng malaking tiyansa sa panalo ni GMA.

Pinaniniwalaan ng Lakas at LP na mahihirapang tibagin ng oposisyon ang GMA-Drilon tandem dahil nagtataglay ito ng tinatawag nilang balanseng puwersa sa hilaga at timog na bahagi ng bansa.

"Puntirya ngayon ng shortlist para sa bise presidente ng Lakas at LP ang pagselyo sa pagtakbo ni Drilon bilang ka-tandem ni GMA," pahayag naman ng isang mataas na opisyal sa Malacañang.

Matatandaan na nanatiling kaanib ng People’s Power Coalition ang LP samantalang nagkalasan naman ang maliliit na grupong pulitikal tulad ng Reporma, Aksiyon Demokratiko at Promdi upang isulong ang ambisyon ni dating DepEd Secretary Raul Roco na maging pangulo ng bansa sa 2004. (Ulat ni Rudy Andal)

AKSIYON DEMOKRATIKO

DRILON

GMA

INIHAYAG

LAKAS

LIBERAL PARTY

PANGULONG ARROYO

POWER COALITION

RUDY ANDAL

SECRETARY RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with