^

Bansa

Kasong kidnapping vs Lacson bubuksan

-
Kasabay ng pag-iinit ng isyu ng serye ng kidnapping sa bansa muling inilabas ng Department of Justice ang isyu sa kidnapping sa anim na Chinese nationals na kinasasangkutan ni Senador Panfilo Lacson.

Sa pahayag kahapon ni DOJ State Prosecutor Michael Ladaza, sinabi nito na naghihintay lamang ang DOJ sa ruling na ipalalabas ng Korte Suprema hinggil sa inihaing petisyon nito dalawang taon na ang nakakaraan. Dito ay sangkot ang senador at 13 iba pang opisyal ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Ayon kay Ladaza, inaasahan nila ang paborableng desisyon mula sa high tribunal upang ituloy ang imbestigasyon at prosekusyon sa mga nasabing opisyal matapos masangkot sa pagdukot sa mga Chinese na sina Zeng Jiu Xuan, Hong Zhen Quia, Zong Kang Pang, James Wong at Wong Hen Chong na pawang dinukot noong Disyembre 1998 hanggang Agosto 1999.

Ayon sa DOJ, ang nasabing kaso ay pansamantalang pinatigil ng Manila Regional Trial Court sa pamamagitan ng temporary restraining order (TRO) bunsod ng magkaparehong reklamo nito sa Ombudsman na inihain noon ng dating police asset na si Mary Ong alyas "Rosebud."

Nakabinbin pa sa kasalukuyan ang petition for certiorari na inihain ng DOJ sa SC. (Ulat ni Ludy Bermudo)

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

HONG ZHEN QUIA

JAMES WONG

KORTE SUPREMA

LUDY BERMUDO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARY ONG

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with