RSBS bangkarote na,buwagin na lang
November 21, 2003 | 12:00am
Ikinokonsidera ng mga opisyal ng Defense Department at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panukalang pagbuwag sa AFP-Retirement and Separation Benefit Systems (AFP-RSBS).
Ito ang inamin kahapon ni Defense Secretary Eduardo Ermita sa gitna na rin ng unti-unting pagka-bankrupt ng ahensiya na nahihirapan na umanong matugunan ang pagkakaloob ng mga benepisyo at pensiyon ng mga namamatay at nagsisipagretirong sundalo.
Hindi itinanggi ng kalihim na sadyang nagkaroon ng maling paggastos sa pondo ng AFP-RSBS dahilan 80% ng pondo nitoy inilaan sa Real State Investment.
Aminado rin si Ermita na nagkaroon ng problema sa nabanggit na sangay ng AFP nang pasukin nito ang real state business na hindi naging maayos ang pagpapatakbo ng ilang mga opisyal ng nasabing tanggapan.
Sinabi naman ni Ermita na kabilang sa kanilang hakbang ay ang maipagbili ang mga real state investment na ginastusan nito upang mai-convert sa cash at tuluyang mapagkaloob sa mga sundalo ang benepisyong nararapat para sa kanila.
Ayon kay Ermita, sakalit mabuwag ang RSBS ay maari naman aniyang lumikha na lamang ng isang AFP Insurance System na magiging kahalintulad ng Government Service Insurance System (GSIS).
Sa kabila nito, binigyang diin ni Ermita na sa kasalukuyan ay gumagawa sila ng mga karampatang hakbang upang hindi kapusin sa pondo ang AFP-RSBS na sadyang nilikha para magkaloob ng pensiyon at iba pang benepisyo sa mga sundalo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest