Ayon kay Sen. Francis Pangilinan at Senate Majority Leader Loren Legarda, sisikapin nilang makakuha ng sound expert upang suriin sa pamamagitan ng mga modernong kagamitan ang tunay na nangyari habang sinasalakay at binabaril ng mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) si Villaruel sa control tower.
Muling hihimayin ng Senado ang nangyari sa NAIA control tower 2 sa araw na ito at inaasahang dadalo muli sina Transportation and Communications Sec. Leandro Mendoza, NAIA general manager Edgar Manda, PNP chief Hermogenes Ebdane, ATO officials at PNP-Aviation Security Group officials.
Ayon kay Pangilinan, karamihan sa mga Senador ay kumbinsido na nagkaroon ng "excessive force" sa ginawang pagsalakay ng mga tauhan ng SWAT ng i-i-take-over nina Villaruel at Lt. Sr. Grade Ricardo Catchillar ang control tower. (Ulat ni Rudy Andal)