Sa mga kaibigan ni Nida: Kung may nalalaman, magsalita na kayo - DOJ
November 15, 2003 | 12:00am
Isa sa pinakahuling alas ng Department of Justice (DOJ) ay ang mga kaibigan at kaanak ng aktres na si Nida Blanca upang mapabalik sa bansa ang suspek sa pagpatay sa una na si Rod Lauren Strunk.
Ayon kay Justice Undersecretary Merceditas Gutierrez, kinakailangan na magsalita ang mga malalapit na kaibigan at kaanak ni Nida kung ano man ang nalalaman ng mga ito upang madagdagan pa ang mga ebidensyang hawak ngayon ng prosecution.
Naniniwala si Gutierrez na mayroong nalalaman ang mga ilang malalapit na kaibigan at kaanak ng aktres hinggil sa pinag-ugatan ng kaso at sa tunay na pagsasama ng dalawa na tiyak na makakatulong upang mas tumibay ang kaso laban kay Strunk.
Huwag natin muling patayin si Nida Blanca, makipagtulungan sana ang sino mang may nalalaman hinggil sa kaso, ani Gutierrez.
Gayunman, tiniyak pa rin ni Gutierrez na muling mapapabalik sa bansa si Strunk dahil maaari pa rin muling isampa ang extradition case laban dito.
May nakita umano si Gutierrez na mga lapses o butas sa desisyon na iginawad kay Strunk.
Kasabay nito, papapanagutin din ng DOJ ang mga abogado ni Strunk na nagsumite ng kanilang undertakings na nagbibigay ng kasiguruhan na mapapabalik si Strunk sa bansa.
Aniya, masusi ng pinag-aaralan ngayon ng DOJ kung ano ang maaaring ikaso nito laban sa mga abogado.
Sina Attys. Noel Lazaro, Alma Mallonga at Dennis Manalo ang mga abogado ni Strunk na siyang nagsumite ng naturang undertakings.
Una ng ibinasura ni US Sacramento District Judge Gregory Hallows ang extradition request ng DOJ upang mapabalik si Strunk.
Sa 36-pahinang desisyon, lumalabas na mahina ang ebidensiyang iniharap ng prosecution para idiin si Strunk sa kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz/Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended