Nagtaas ng presyo ng manok at semento kakastiguhin - Roxas
November 13, 2003 | 12:00am
Iniutos kahapon ni Trade and Industry Sec. Manuel Roxas ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umanoy pagsasamantala ng iilang negosyante dahil sa biglang pagtaas ng presyo ng manok at semento.
Sinabi ni Sec. Roxas, dapat magpaliwanag ang mga poultry growers kung bakit biglang tumaas ang presyo ng mga fresh chicken sa mga pamilihan gayundin ang biglang price increase ng semento.
Wika pa ni Roxas sa isinagawang price monitoring ng kanyang tanggapan ay natuklasan nito na tumaas ng P10 ang presyo ng bawat kilo ng manok mula sa dating P85/kilo ay naging P95/kilo.
Inatasan din ng kalihim ang mga local cement manufacturers na magpaliwanag hanggang November 14 kung bakit bigla din silang nagtaas ng presyo.
Tiniyak naman ng kalihim na nananatili ang presyo ng ibang pangunahing bilihin. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended