^

Bansa

NAIA seige isasalang na sa Senado

-
Sisimulan ngayon ng Senate committee on justice and human rights ang imbestigasyon hinggil sa pagtake-over sa control tower ng NAIA terminal 2 na ikinasawi nina ex-ATO chief ret. Col. Panfilo Villaruel at Ltsg. Ricardo Catchillar noong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, chairman ng komite, kabilang sa mga inimbitahan sina DOTC Sec. Leandro Mendoza, PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane, NAIA chief security officer Gen. Angel Atutubo, Aviation Security Group chief Sr. Supt. Andres Caro, NAIA General Manager Edgar Manda, National Security Adviser Roilo Golez at DZBB anchorman Arnold Clavio.

Ani Pangilinan, aalamin ng komite kung sumunod ba sa rules of engagement ang mga umatake kina Villaruel at Catchillar matapos sakupin ng mga ito ang NAIA tower at kung karapat-dapat ba ang ginamit na puwersa ng assault team dahil tinadtad ang mga ito ng bala sa mukha at katawan gayung hindi naman nanlalaban bagkus ay nagpahayag pa ng kanilang pagsuko subalit pinagbabaril pa rin.

Aalamin din kung paano nakapasok sa tower ang dalawa gayung dapat ay mahigpit ang seguridad dito. (Ulat ni Rudy Andal)

ANDRES CARO

ANGEL ATUTUBO

ANI PANGILINAN

ARNOLD CLAVIO

AVIATION SECURITY GROUP

FRANCIS PANGILINAN

GENERAL MANAGER EDGAR MANDA

HERMOGENES EBDANE

LEANDRO MENDOZA

NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with