^

Bansa

2nd impeachment vs Davide 'unconstitutional' - SC

-
Idineklara na kahapon ng Supreme Court (SC) na labag sa Saligang Batas ang ikalawang impeachment laban kay Chief Justice Hilario Davide.

Sa botong 13-1, nagdesisyon ang mayorya ng SC na nilabag ng Kongreso ang sinasaad ng Konstitusyon kaugnay sa 2nd impeachment issue habang si Associate Justice Reynato Puno naman ang nagsabi na masyado pang maaga para sa hukuman kung unconstitutional o constitutional ang impeachment case.

Samantala sa botong 14-0, idineklara naman ng Mataas na Hukuman na may karapatan sila para maglabas ng desisyon kaugnay sa isyu ng impeachment.

Lumalabas naman sa botong 11-3, sinasabi ng mga mahistrado na dapat kumilos ito upang harangin ang impeachment case laban kay Davide, samantala tinututulan naman nina Associate Justice Josue Bellosillo, Consuelo Ynares-Santiago at Reynato Puno na dapat ipatupad ang judicial restraint na nangangahulugan na hayaan muna ang Kongreso na ayusin ang gusot sa impeachment bago kumilos ang hudikatura.

Hindi naman sumali si Davide sa ginawang deliberasyon dahil siya ang direktang sangkot sa usapin ng impeachment.

Igagalang naman ng mayorya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang desisyon ng SC.

Ayon kay House Speaker Jose de Venecia, ang SC ang may kapangyarihang magdesisyon kung ang isang usapin ay labag o hindi labag sa Konstitusyon kaya kailangan nila itong respetuhin.

Binaligtad ni de Venecia ang nauna niyang pahayag na hindi kikilalanin ang status quo order ng SC kaugnay sa impeachment ni Davide.

Halos napuno ng mga pro at anti-impeachment ang gallery plenary hall na nag-aabang sa magiging desisyon ng Kamara. (Ulat nina Gemma Amargo/Malou Rongalerios)

ASSOCIATE JUSTICE JOSUE BELLOSILLO

ASSOCIATE JUSTICE REYNATO PUNO

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

CONSUELO YNARES-SANTIAGO

GEMMA AMARGO

HOUSE SPEAKER JOSE

IMPEACHMENT

KONGRESO

KONSTITUSYON

MABABANG KAPULUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with