Pagbibitiw ni GMA di solusyon
October 31, 2003 | 12:00am
Nilinaw ng Malacañang na hindi solusyon sa kasalukuyang problema sa bansa ang pagbibitiw sa tungkulin ni Pangulong Arroyo at maituturing na self-serving ang panukalang ito ni dating Senador Francisco Tatad.
Ito ay kaugnay ng panawagan ni Tatad na dapat ay mag-resign na ang Pangulo gayundin ang lahat ng mahistrado ng Korte Suprema at sa halip ay magtatag ng isang pansamantalang gobyerno hanggang sa pagdadaos ng 2004 presidential elections.
Sa kabila nito, minabuti ng Palasyo na manahimik sa panawagang magbitiw kaugnay ng paninisi sa Pangulo sa patuloy na paglala ng problema ng bansa kabilang ang away ng Kongreso at Korte Suprema.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo na hindi obligasyon ng Palasyo na magbigay ng komentaryo sa lahat ng usapin. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended